SANA, tumigil na ang nagkakalat ng balita na si Kathryn Bernardo ang magiging Darna.
Tumingin tayo sa salamin…
Taglay ba ni Kathryn ang sensuality na kailangan sa isang Darna?
Hindi ba’t wala tayong maramdaman kahit nag-sexy dance na siya sa Barcelona?
***
Out na ba si Yuan (Ken Chan) bilang manliligaw ni Billie (Barbie Forteza) sa romcom series na Meant To Be dahil may anak na ito?
Sagot ng Kapuso actress, “As for my character Billie, hindi sukatan ‘yun kung may anak si Yuan, or wala. Hindi naman para i-eliminate na niya si Yuan sa JEYA, di ba?
“Besides, nakilala na ni Billie si Yuan na very responsible and very mature. So, sigurado siyang magagampanan niya ang perfect role as a father para doon sa dalawang bata.”
***
Dalawang concert ang magkatapat ngayon na parehong nakakakaba — ang Gary V Presents na season finale na sa The Theater Solaire, at ang No Boundaries sa Music Museum.
Sana, mapuno sila ng mga tagasuporta nila.
***
Birthday na naman ni Mayor Herbert Bautista.
Sino kaya ang mahiwagang makakasama niya sa kanyang kaarawan?
Magiging mas open na kaya sila ni Kris Aquino?
***
Hindi lang ang fans ang excited sa pagsisimula ng telefantasya ng GMA na Mulawin vs. Ravena kundi pati na ang cast members nito.
Aba! Bongga ang billboard nito sa EDSA at kanya-kanyang post sa social media ang mga artista rito.
Para kina Regine Velasquez, Derrick Monasterio at Bea Binene, unbelievable na magsisimula na sa loob ng dalawang linggo ang nasabing serye.
Maraming fans ang nagka-count down na to May 22 na airing date ng Mulawin vs. Ravena.
***
Sa Lunes (Mayo 15) ang ika-887 anibersaryo ng kamatayan ni San Isidro Labrador, patron ng mga magsasaka.
Isa sa pinakamakulay at pinakamasayang fiesta ni San Isidro ay ang PAHIYAS sa Lucban, Quezon.
Sa taon na ito ay pinalawig ang PAHIYAS – mula Linggo (Mayo 14) hanggang Miyerkules (Mayo 17).
Dinadayo ng mga turista ang PAHIYAS na sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Oli Dator ay may tema na “Garbo Lucban: Marikit, Maganda, Masaya, Halina!”
Di ba, Denden Jardin?