Tinalbugan sina Liza, Julia, Yassi
Ni: RONALINE AVECILLA
Itinanghal ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo bilang “Favorite Trending Pinoy Artist” sa Nickelodeon’s Kids’ Choice Award ngayon taon.
Siya ang nagwagi sa botohan matapos makahakot ng malaking fan votes gamit ang hashtag. Kabilang sa mga nominated ay sina Julia Barretto, Liza Soberano at Yassi Pressman.
Sa edad na 23 ay marami na ang karangalan na natanggap ng aktres magsimula ng pasukin niya ang mundo ng showbiz sa edad na pitong taon.
Tumatak ang galing sa pag-arte ng aktres dahil sa kaniyang teleserye na “Mara Clara” taong 2010. Hanggang sa makapareha niya ang aktor na si Daniel Padilla na ngayon ay boyfriend niya na.
Samantala, nilinaw ng aktres na wala siyang pelikulang gagawin ngayon kasama ang boyfriend. Kaya naman excited ang mga fan dahil for the first time ay makakaperaha niya ang “Pambansang Bae” na si Alden Richards.