Maglalaho sa darating na 25 taon ang mga Katoliko, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinahayag ito ni Duterte sa ginanap na 1st National Assembly ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas sa Pasay City kagabi, Pebrero 25, taong kasalukuyan. Sinabi nito sa mga dumalo sa pagtitipon, kung nagbabasa ang kanilang mga anak ay malalaman nito na mawawala na ang nasabing relihiyon.
“Alam mo, ‘yung mga anak ninyo kung bright sana sa college ngayon nagbabasa, itong Katoliko na ito will disappear in almost 25 years wala na ‘yan,” sabi ng Pangulo.
Inulit pa ni Duterte ang mga akusasyon laban sa mga miyembro ng kaparian tungkol sa korapsiyon at sekswal na pang-aabuso sa kabataan.
“Hindi na makalimutan ng tao yung… Ito pala ang Katoliko? ‘Pag inabot ng libog, madre. Kung ang mga bakla ang putang ina niya, mga bata… Who needs a religion like that? Tapos sige ka pa bigay kada linggo, ihatid pala niya sa kabit niya,” dagdap ni Duterte.
Sinabi rin ng Pangulo na 90 porsiyento ng mga Katolikong pari ay homosexual o bakla.