Katransaksyong pulis binaril ng tulak

Matapos paputukan ang isang pulis pero nagmintis, kamatayan ang inabot ng isang pinaghihinalaang tulak nang manlaban sa buy-bust operation sa Dasmarinas City, Cavite.

Kinilala ang napatay na si Gary Macadat Amante, nasa wastong edad, ng Airmen’s Village, Brgy Sampaloc 3, Dasmainas City, Cavite.

Sa ulat ni PMSgt Rolando Paulo Figueroa, ng Dasmainas City Police Station, ika-3:20 kahapon ng madaling-araw nang magsagawa ng buy bust opeation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Dasmarinas CPS at RSOU41 sa Airme’s Vilage kung saan target ang suspek.

Matapos ang transaksiyon sa pagitan ng posuer buyer at suspek, nang naramdaman ng huli na pulis ang kanyang kausap ay nagbunot ito ng baril at iputok sa awtoridad subalit nagmintis kaya gumanti ang huli na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Narekober sa suspek ang 13 pirasong hinihinalang shabu, aluminum foil, lighter, kalibre 45 na baril at bala. (Gene Adsuara)