PROUD ang dating bold star na si Katrina Paula dahil siya ang napiling mag-represent ng ating bansa para lumaban sa Mrs. Queen of VOAA Universe sa Fukuoka, Japan.
‘Voice of An Angel’ ang ibig sabihin ng VOAA kung saan achievers na ina ang magkakalaban sa titulo.
Malaking achievement para kay Katrina na naitaguyod niya ang kanyang apat na anak na walang tulong sa kanilang ama.
Pumanaw kasi ang una niyang asawa na kung saan nagkaroon siya ng tatlong anak.
Ang panganay niyang si Nicole Anne Yap ay 22 y/o na at isa nang piloto. Ang pangalawa niyang anak na si Athens Yap ay graduating ng Mass Communication sa PLM.
Ang pangatlo ay grade 7. Ang bunso niyang anak na lalaki kung saan ang ama nito ay nakakulong pa hanggang ngayon ay 7 y/o at nasa Grade 2 pa lamang.
Walang ibang inaasahang tutulong sa kanya para mapagtapos niya ang pag-aaral ng kanyang mga anak, kaya todo kayod si Katrina.
Halos lahat ng trabaho eh ginagawa niya para maitaguyod ang kanyang apat na anak.
Iyun ang isa sa achievements niya bilang ina na naipagmamalaki niya sa pagsali niya sa Mrs. Queen of VOAA Universe.
Sa September 3 ang kumpetisyon at bago matapos ang buwang ito ay aalis na siya dahil may activities pa roon kaugnay sa kumpetisyon.
Ang isang panlaban doon ay ang Question and Answer portion. Sana, payagan daw siyang mag-Tagalog at may interpreter lang para ma-express niya nang mabuti ang isasagot.
“Mga anak ko ang nagti-training sa akin sa English. Nahirapan na nga ako. Ayaw talaga nilang sumagot ako ng Tagalog, dapat i-English ko talaga,” pakli ni Katrina.
Ang isa pang pinaghahandaan niya ay ang gowns. Wala raw swimwear competition.
Kailangan niyang magdala ng limang gown, kaya tinanong namin kung sino ang designer ng mga gown niya.
“Ay, wala! Sa Divisoria lang kami,” sabi ni Katrina.
“Walk nang walk lang kami ni Benny (Andaya) sa Divisoria, du’n kami namimili ng gown.
“Meron nga akong nabiling may malaking petticoat. Tatabi mga candidates paglabas ko sa laki ng petticoat ng gown. Ang mura lang ng bili ko.
“Ikot lang kami nang ikot du’n. Merong tig-5 thousand, nabibili namin, 3 thousand. Bongga naman!” bulalas ni Katrina.
Feeling ni Katrina, makekeri niyang dalhin iyun pagrampa niya kahit mumurahin ang gown niya.
Kailangang maiuwi niya ang korona dahil kahiya-hiya raw sa mga anak niya kapag ma-lost pa siya sa titulong iyun.