KaTropa, Painters magkakasubukan

Malalaman sa TNT KaTropa at Rain or Shine ang nakapag-adjust na sa ilalim ng bagong coaches sa sultada ng dalawang bigating kampo sa doubleheader ng 2016-2017 PBA Philippine Cup elims Day 2 ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Bago nag-slowed down sa last three season, three-peat Phil. Cup champs ang TNT samantalang reigning Governors’ Cup holder at consistent Final Four performer ang RoS na magbabanatan sa seven nightcap tapos ng 4:15 opener ng Blackwater at Phoenix.

Aabatan sa Texters na pinanatili ang old nucleus nina Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Kelly Wiliams, Larry Fonacier, Ryan Reyes, Danny Seigle, Harvey Carey, Troy Rosario, Mo Tautuaa at Matt Ganuelas.

Sinahog sina rookie Ro­ger Pogoy at Levi Hernandez at trade acquisition Frank Golla sa team na hahawakan na ni Nash Racela na pinalit kay Jong Uichico.

“The guys are res­ponding well to coach Nash. Simple lang ang binago nya sa team. It’s mental. You have to hustle, work hard if you want to be on the court,” giit ni TNT team manager Virgil Villavicencio.

Tatrangko pa rin naman sa Elasto Painters sina Jeff Chan, Beau Belga, Gabe Norwood, Raymond Almazan, Jericho Cruz, Maveric Ahanmisi at Chris Tiu sa tulong nina trade acquisition Jay Washington, free agent recruit Dexter Maiquez at rookie draftee Mike Tolomia. Balik RoS bench chieftain si Caloy Garcia sa paglipat ni Yeng Guiao sa NLEX. Pero two games absent si James Yap na trade kay Paul Lee sa Star sa pagpapagaling sa bone spur sa right knee operation.

Ang co-first round draft picks na sina Mac Belo at Ael Banal ang headline sa limang bagito ng Blackwater na balak makakuha ng panalo sa unang game pa lang, na hindi pa nagawa sa loob ng dalawang taon o sa anim na conferences at higitan ang unang first-ever quarterfinals finish sa all-Filipino conference na ito nu’ng isang taon.

Pero astig din ang Fuel Masters na gaya ng Elite ay nagbalasa ng line up na nagresulta ng apat na bagong salta kabilang ang may malaking maitutulong na sina Fil-­Canadian Mathew Wright at veteran Doug Kramer.