Kawalan ni Romeo hinahanap ng SMB

Hinahanap ng San Miguel Beer ang kontribusyon ni Terrence Romeo sa mga gipitang laro, tulad ng 129-125 loss nila sa Ginebra nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

“Kanina, ‘yung game, talagang nagkulang kami ng isang guard who could give some comfort time para kay Chris Ross,” lahad ni coach Leo Austria tapos maputol ang four-game start ng Beermen sa PBA Governors Cup.

“Imagine, Chris Ross played 40 minutes.”

Pansamantalang pinaghugutan ng Beermen si Von Pessumal, kinamada ang siyam na puntos niya sa fourth quarter, lahat mula perpektong 3 for 3 shooting sa labas ng arc, para panatiliin sa laro ang SMB.

Nalamangan pa ng hanggang 18 ang San Miguel pero nakabalik.

“Dez Wells, most of the time siya gumagawa,” dagdag ni Austria. “If we have Romeo, medyo madi-divert ‘yung ibang atensiyon nila kay Dez Wells.”

Tumapos pa rin ng season-best 52 points si Wells mula 18 of 47 shooting at 14 of 17 sa stripe, may pitong rebound at limang assist kontra limang turnovers.

Tapos ng 98-94 win ng San Miguel sa NLEX nitong Oktubre 4 sa Dubai, nagkasakit si Romeo pag-uwi.

“Maybe next week, he’s ready to practice,” panapos na wika ni Austria. “Nagpa-dextrose siya to regain …. Kasi nga pagod na pagod siya. Mabuti nga siya lang tinamaan sa amin kasi nga very hectic ang schedule, eh.” (VE)