KAWAWA ANG PILIPINAS — DUTERTE

Kahit nagmumuk­hang kontrabida, hindi­ umano lubos-maisip ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang kasasapitan ng Pilipinas kung hindi siya ang na­ging presidente ng bansa.

Dahil mantsado ng industriya ng iligal na droga maging ang kapulisan, kasama na ang iba pang lokal na opisyales ng pamahalaan ngayong nasimulan na ni Pangulong Duterte ang giyera kontra droga nangako ito na hindi ito titigil hanggang hindi nadudurog ang puno’t dulo ng problema.

“I do not want to pull my own chair, magyabang ako sa inyo. I was just thinking that kung hindi ako naging Presidente, and given the contamination of the police into the industry, eh papaano one of the officials, ‘di ba, military aide of one candidate.

Sabi ko, kawawa talaga itong Pilipinas… and so, I might — lalabas ako dito medyo kontrabida o with stained hands, maybe soaked with blood but there is no way to stop it now. There can be no stopping of the momentum until I have des­troyed the apparatus,” pahayag ni Pangulong Duterte sa isang okasyon noong Lunes.

Pati na sa mga dayuhan ay may babala rin ang Pangulo.
Pagdidiin ni Presidente Digong hindi lulusot ang mga banyagang promotor at damay sa natu­rang problema.

“I would not want to elaborate on it because it might ruffle the feathers of some other nations.

But alam nila ito…. and I had for several times warned their ambassadors, you know, a lot of your citizens are destroying my country….at hindi ko iyan papalusutin kasi sabi ko, simply, if I allow it, there will be no Philippines tomorrow,” pahayag pa ng Pangulo.