Salubong ang kilay ni DeMar DeRozan na lumabas ng Scotiabano Arena, nadiskaril ng crucial turnover sa dulo ang una niyang laro sa Toronto.
Ninakaw ni Kawhi Leonard ang bola kay DeRozan bago kumaripas para ibaon ang go-ahead dunk 25 seconds na lang sa laro, at sinapawan ng Raptors ang dayong San Antonio Spurs 120-117 Biyernes ng gabi.
Nauwi sa talo ang unang laro sa Canada ng dating Raptors star na si DeRozan matapos i-trade sa San Antonio kapalit ni Leonard.
”Tonight was like a playoff game,” ani Leonard. “We had to grind it out all the way to the end.”
Nilista ni Leonard ang 19 sa kanyang 25 points sa second half at nakipagsabwatan may Kyle Lowry para nakawan si DeRozan sa midcourt bago kumaripas sa kabila para sa one-handed jam.
Mainit pa ring tinanggap si DeRozan pagbalik ng Toronto at tumapos ng 23 points.
Nagyakap pa sina Lowry at DeRozan sa center court pagkatapos ng final buzzer habang nagtsi-cheer ang ang 20,058 sellot crowd.
Binigyan ng standing ovation si DeRozan paglabas ng Spurs para sa prefame warmups, tayuan muli nang ipakilala ang starters ng San Antonio.
Pinakamalakas at pinakamahaba ang hiyawan nang i-play ang tribute video sa unang timeout. Pumagitna si DeRozan sa court at kumaway sa fans.