Kawhi, George rumesbak

Humarabas si Kawhi Leonard ng 34 points at 11 rebounds at rumesbak mula sa pinakamasagwang talo sa season ang Clippers nang pagdiskitahan ang Washing­ton Wizards 135-119 Linggo nang gabi.

Umayuda ng 27 points si Paul George, nilista ni Montrezl ­Harrell ang 9 sa kanyang 20 sa fourth quarter para ihatid sa panalo ang Los Angeles dalawang araw matapos ang 119-91 loss sa Milwaukee.

Kontra Bucks ay ­nalimitahan lang sa 30 points combined sina Leonard at George.

Si Bradley Beal ­naman ang iginapos ng Clippers, diniyeta ang Washington scorer sa 20 points lang mula 5 of 18 shooting.

Siyam sa puntos ni Beal ay mula sa foul line.

Sa karereklamo ng Wizards, tinawag sa kanila ang tatlo sa limang technicals ng laro.

Sa likod ng reserves na sina Davis Bertans (season high-tying 25 points, 6 3s) at Troy Brown Jr. (career-high 20) ay nanatili sa laro ang Wizards sa first three quarters.

Nasa bench pa si ­Bertans nang mapituhan ng T, napituhan din ang kalmado at tahimik na si Ish Smith sa fourth. Ang pangatlo ay kay coach Scott Brooks.

Isinara ng Los Ange­les ang laro sa 22-10 run, sa isang stretch ay nagtuhog ng 17 consecutive points sina Leonard at Harrell. (VE)