Walang duda na magaling si Kawhi Leonard, pero soloista ito.
At hindi rin makaka-tegoryang lider si Klay Thompson.
Ayon sa isang NBA executive na nakausap ni Rick Bucher ng Bleacher Report, ‘di napapa-pogi ni Leonard ang ibang kakampi.
TYapos ihatid ang Toronto Raptors sa NBA title, tumalon si Leonard sa Los Angeles Clippers nitong free agency.
“Kawhi is great getting his, but he doesn’t elevate anyone,” anang hindi pinangalanang general manager. “He doesn’t rally his team.”
Sa salitang kanto, buwaya?
‘Di naman siguro. Baka lang ‘di nagagawang pagandahin ni Leonard ang laro ng mga kakampi.
Pumirma si Leonard ng three-year, $103 million deal sa Clippers, player option niya ang pangatlong taon. Ni-recruit pa niya si Paul George mula Oklahoma City Thunder, at bigla ay naging championship contenders ang Clippers.
Mas madalas na tahimik si Leonard, walang masyadong lumalabas sa bibig. Bihira din siyang ngumiti. (VE)