tonite-this-is-it-roldan-castro

Malabong magkabati at magkapatawaran sina Kris Aquino at Nicko Falcis.

Sa huling panayam kay Tetay nina Ogie Diaz at Dindo Balares para sa four-part video sa kanyang social ­media account:

“I’m still here. It didn’t work,” deklara niya sa mga ipinupukol na isyu ng mga kalaban niya.

Wala siyang balak na patawarin si Nicko dahil umano sa paninira sa kanya.

“Pinapamukha pang ako ang pinakawalanghiyang tao sa mundo. Bakit ko papatawarin? E, ‘di ang buong Pilipinas sasabihin naman, ‘ang pinakatangang tao sa Pilipinas si Kris Aquino, no?’” deklara pa ng Queen of All Media.

Hindi raw siya santa para patawarin ito pero puwede niyang kalimutan ang nagawa umano ni Falcis sa kanya.

Ang pinakamabuti niyang gawin ngayon ay dedmahin at balewalain ang umano‘y kaestupidahang ito.

***

Pasabog nga-yong gabi, February 16, ang White Bird Roxas Boulevard para sa show nilang “Love Me for A Reason (Feel Love and Loved).”

Meron ding special dinner date para sa guest at naguguwapuhang modelo ng 7 to 10PM.

Susundan ito ng The Search for Mr. Heartthrob 2019 na 12 models ang maglaban-laban.

Para sa ibang detalye, tumawag sa 0927-907-4623.