Nadismaya at napuwersang magretiro na ng kontrobersiyal na weightlifter na si Ilya Aleksandrovich Ilyin ng Kazakhstan dahil sa pagkakakansela ng 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa darating na Hulyo.
Magdiriwang ika-32 kaarawa sa Mayo 24, inihayag niya ang desisyon sam ng Kazakh newspaper at Vesti website.
Idinahiln ng hoister sa pagtapos sa playing career ang pagkaka-postpone ng Tokyo 2020 na inurong na sa Hulyo 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.
“It is not yet clear whether the Olympics will take place in 2021 so I can’t wait,” ani Ilyin. “I loved weightlifting, having fun and transmitting energy to people. Now it’s different… and I do not like it “I do not want to do this.”
Na-forfeit ang dalawang Olympic gold medal ng atleta sa Beijing 2008 at London 2012 Olympics matapos mag-positive sa bawal na drogang stanozolol sa International Olympic Committee (IOC) retested na stored samples niya.
Dahil ang Kazakhstan ay may 10 positibo sa ginanap na retests, tuluyang nilimitahan na lang ang bansa sa dalawang quota places para sa Tokyo 2020, tig-isa sa lalaki at babae.
Dalawnag taong sinupinde ang four-time world champion noong 2018 dahil sa technicality ang pagiging positive, natrato na isang doping violation.
Nagbalik siya na malaki ang pag-asang makapag-qualify sa Tokyo Games bago tuluyang nagretiro. (Lito Oredo)