KUNG ang biological mom at dad niyang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, marami ang kinilig at ikinatuwa ang ‘balikan’ sa isang fast food chain na patalastastas, kataka-taka at kakahibang ang patuloy na mga kuro-kuro at hakak-haka na hiwalay na raw ang dekolor at puti nina KC Concepcion at Aly Borromeo.
Bakit kaya ayaw nilang manalig sa panayam ni Kristina na ‘okay’ silang dalawa ni Borromeo?
Hindi pa ba sapat ang kuwento niya na “super, super close, so no matter what happens sa mga buhay namin, close kami”.
‘Yung “Yes. Yes,” na patunay, lalo na nga’t galing mismo ito sa bibig ni Concepcion, hindi sapat para ‘di mabura ang mga agam-agam?
Nagdagdag kalituhan ba ang kanyang mga hanash na, “busy ako ngayon, siya rin nagpapaka-busy. And kailangan kasi pareho ang priorities ng dalawang tao, ‘di ba? Mahirap kasi kapag parang kuma-career ‘yung isa, ‘tapos ‘yung isa hindi. It has to be the same priority. So, kung for the rest of the year pareho ‘yung priorities namin, magwo-work.”
Hindi pa ba kwentas claras iyan? Nung Enero ang nasabing panayam pang-telebisyon kung saan galing ang mga pahayag na iyan.
Grabe rin ang imahinasyon ng mga netizen at major, major grabe rin ang kanilang panahong inilalalaan sa mga social media sites kaya napagtanto nilang wala raw Valentine’s Day celebration si Concepcion at kanyang kasintahan na Azkals player dati.
Mas malala ‘yung alam nila kung kailan ang huling posting ng magsing-irog. Ano ito, are you guys stalking them in social media?
Wala na ba silang karapatang huwag ipaalam sa lahat ang mga nangyayari sa kanilang mga personal na buhay? Hindi na ba sila entitled sa kanilang ‘privacy’?
‘Pag ang magkasintahan ba, hindi na nag-po-post ng mga sweet moments nila sa social media, ibig bang sabihin nun, hiwalay na sila kaagad? Hindi kaya ang gusto nilang iparating sa inyo na kunyari ay may ‘nose for news’ at ‘concern’ sa dalawa eh “please, back off. Give us the space we deserve.”
Hindi kaya napagtanto na nina Kristina at Aly na kung hindi nila laging ibabalandra ang mga ganap nila sa kanilang mga buhay, you guys will take the cue at titigil na kayo sa inyong maurirat na pagsisiyasat?
‘Pag walang ginagawa talaga at pulos paniniktik ang ginagawa sa mga social media sites, lumalala ang inyong kakatwang mga imahinasyon.
Sa mga netizen na kunyari eh may malasakit talaga sa relasyong KC-Aly, mas mainam siguro magpapawis kayo. Magpaaraw. Pagalawin ang mga katawan, huwag laging nakaharap lang sa mga computer at gadget niyo. Don’t make artistas the center of your universe. Please!