KURYENTE lang kaya ang tsika na hiwalay na si KC Concepcion at ang boyfriend niyang si Aly Borromeo? Kamakailan lang eh nag-post si KC ng sweet na picture nila ng kanyang boyfriend.

Let’s just all wish them the best. Sana lang, hindi lang sa social media active si KC.

***

Bagama’t puno raw ang mga sinehan ng Barcelona, A Love Untold noong weekend, naging matumal ulit ang mga manonood sa sinehan kahapon.

Sa Robinsons Magnolia at Trinoma, hindi punuan ang mga sinehan.

Nang tanungin namin ang mga takilyera kung super lakas nito, ang sabi ay OK lang, pero mas malakas ang Train To Busan na naka-P 300M+ na sa P2M na distributor’s fee.

As in tubong lugaw.

***

Sa kabila ng dami ng luha na iniiyak ni Kathryn Bernardo sa Barcelona, A Love Untold, mas ramdam at iniwan siya nang milya-milya sa tahimik at nanunuot na pagganap ni Daniel Padilla.

At sa maraming eksena, kamukha ni Kathryn si Roxanne Barcelo (na naging Roxie B at Roxee).

Nagtawanan ang mga tao sa sinehan nang sinabihan ni Daniel si Kathryn na “Mukha ka nang mop!” dahil sa kanyang kinky curls.

Sayang.

***

Kulang sa babaeng host ang It’s Showtime kapag wala sina Anne Curtis at Karylle.
Ramdam ang bigat nang ipag-host si K Brosas kahapon.

Buckle pa siya nang buckle at binilangan pa niya ang sarili sa mga pagkakamali.

Dapat, meron silang makuhang light and bubbly female personality na alternate sa araw-araw.

***

Nang mapanood ang Alyas Robin Hood ni Suzette Doctolero kagabi, naunawaan ng marami kung bakit hindi sila nagkatuluyan ng dating nakarelasyon daw na si Direk Lav Diaz. They are just not on the same page.

Hindi puwedeng maghalo ang balat sa tinalupan.

Ang puti sa de kolor.