“WHY so sexy, ate?”

Ito ang parang Ms. Universe question para kay KC Concepcion na nanggaling mula sa isa niyang Twitter follower.

Ang kaaliw na sagot ni Kristina, “Because @alybor11.”

Siempre naman, knowing na nating lahat na si alybor ay si Aly Borromeo, ang mighty, meaty, papable papa ni Concepcion. Kung hindi ninyo nahulaan na si Aly ang dahilan kaya de­vastatingly beautiful ngayon si KC, dapat sigurong magbasa-basa ka naman at itigil na ang kaadikan sa paghahanap sa mga pokemon kung saan-saan.

Everything about this Borromeo guy looks BIG.

Ang height. Ang katawan. Ang balikat. Ang dibdib.

Ano nga kaya ang 11 sa pagkatao nitong si Aly? November born ba siya? 11 ba ang favorite number niya? Or eleven ang size of his paa at sabi nga nila, the size of your shoe size minus two eh ang size of that thingy that hangs there?

Feeling ko, ang biggie talaga kay Aly ay ang puso niyang mahal na mahal si Ms. Kristina.

In all the photo pos­tings that this couple have shared so far, kitang-kita kung gaano nila minamahal ang isa’t isa.

Na supportive sila of each other. Adventure seems to play a great part of their relationship and they have fun and quality time together.

They also go an extra mile and throw surprises para sa isa’t isa.

And KC seems to be in a truly happy place. Balot na balot siya ng mahiwagang pagmamahal ni Borromeo.

What is even more wonderful sa latest love ni Concepcion is the fact na welcome na welcome ang binata sa Cuneta-Pangalinan household.

Parang “official” fa­mily member na si Aly dahil in all the important occasions and celebrations, present ang football player.

‘Yung mga family gatherings presence ni Borromeo, parang sa mga naging ex’s ni KC, parang walang chronicle or pos­ting na naging bahagi sila.

Marami ang wishing, hoping and praying na si Borromeo na ang forever ni Concepcion.

Pareho na silang nasa tamang idad and are successful individually.

Many opine na pareho na silang emotionally mature and healthy kaya hindi naging mahirap for them to be in a committed relationship and make it work.

If KC and Aly walk down the aisle soon and they start their happily ever after, ang saya-saya lang nu’n.

Walang duda na Concepcion will be the lovelies­t bride at si Borromeo, the most dashing groom ever.

Ngayon pa lang, sabay-sabay na ang collective nating tilian at pagsigaw, “Mabuhay ang bagong kasal!”

***

Ang latest na payanig ni Mocha Uson sa kanyang blog, “Mr. President, please boycott the media again. Sinisira nila ang iyong imahe para sa kanilang pangsariling interes at pinapapangit ang imahe ng ating bayan sa ibang bansa.

“Marami pong mga ka-DDS na nag-co-comment po na sana po ay i-boycott niyo po uli ang MGA BASTOS AT BAYARANG MEDIA.”

Pakisabi kay Uson, masama sa katawan ang paglanghap ng usok na galing sa katol.

Stop ka na sa katol, girl. Tama na ang pagmamaganda.

That’s all!

3 Responses