KC bumuwelta kay Sharon

KC bumuwelta kay Sharon

Pagkatapos umanong magpasaring ng Megastar Sharon Cuneta sa kanyang panganay na si KC Concepcion tungkol sa pagiging mabuting anak nina Frankie at Miel, mga anak niya kay Senador Frankie Pangilinan, may sagot naman umano ang UNICEF ambassador sa beteranang actress-singer.

Pinag-uusapan sa social media ang pagpo-post niya ng picture ni Christine Teigen na may caption na ‘same’.

Sey kasi ni Teigen sa kanyang quote: “I am so stupid and so please stop expecting things from me”.

Ibig sabihin ay nakaka-relate umano si KC sa karanasan ni Teigen, asawa ni John Legend na isang writer, TV host, model, brand endorser at kilala sa Twitter world.

Maraming netizen ang nagpapalagay na may pinagdadaanan si KC at marahil ay patama ito sa ina na hanggang ngayon ay tila hindi pa nare-resolve ang kanilang samaan ng loob.

Dati na kasing may emote noon ang Megastar na may tampo siya kay KC dahil hindi na niya nakakapiling ang anak lalo pa’t hindi na siya updated sa mga ganap nito.

Naghihimutok din siya dahil sa pagiging independent umano nito ay wala na silang komunikasyon kumpara sa mga kapatid nitong laging ‘in touch’ sa kanya.

Hirit pa ng ilan, marahil daw ay nasasaktan si KC sa hanash ng ina kung saan ipinangangalandakan nito kung anong klase siyang anak.

Matatandaang bago muling nagparunggit umano si Sharon sa anak ay nag-post din si KC ng sweet moments nila ng kanyang amang si Gabby Concepcion na umano’y dahilan ng muli nilang parunggitan. (Archie Liao)