KC di kailangan ng pera-Sharon

NI:ARCHIE LIAO

Nagbahagi ang megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang ginagawa sa panahon ng ECQ sa watch party na inisponsor ng kanyang mga fan.

Dahil hindi raw naman siya lumaking magimik, hindi raw naman siya iyong tipong umaangal dahil nalilimitahan ang kanyang mga galaw bunsod ng home quarantine.

Simpleng tao lang daw naman siya na mababaw lang ang kaligayahan.

Sa panahong nababalot ng dilim at takot ang mundo dahil sa COVID-19 pandemic, ipinagpapasalamat at ipinapanalangin niya na sana’y laging malusog at ligtas ang kanyang mag-anak sa anumang sakit o karamdaman.

Itinuturing din niyang langit na makapiling ang kanyang pamilya sa kanyang pribadong oras.

Ang magbasa ng libro,manood ng Koreanovela at mag-karaoke ang ilan sa kanyang tinututukan sa kasalukuyan.

Pagkakataon din daw ang ECQ para maka-bonding niya ang kanyang mga tagahanga na kanyang inaaliw.

Tungkol sa kanyang panganay na si KC Concepcion,naging panuntunan na raw niya na hindi manduhan o utusan ang anak lalo pa’t lumaki itong independent.

Katunayan, nagugulat na lang daw siya kapag nababalitaang marami pala ang natutulungan nito sa kanyang mga adbokasya.

Never nga raw itong lumapit sa kanya para humingi ng tulong o donasyon dahil aniya,hindi raw nito kailangan ng pera.

Proud din daw siya kay KC dahil masinop ito sa pera at naihanda niya ito sa pag-i-invest tulad ng real estate.

Speaking of his ex Gabby, willing na raw siyang muling makatrabaho ito.

Hinggil naman sa follow up project nila ni Robin,napagkasunduan daw nila ng aktor na maghintay na lamang ng magandang iskrip dahil feeling nila,hindi bagay ang iniaalok sa kanilang role sa isang proyekto na may pagka-sexy.