KC inurot, apl.de.ap dyowain na

NI:VINIA VIVAR

Dahil sa sagutan at pagsuporta sa isa’t isa nina KC Concepcion at singer na si apl.de.ap sa kani-kanilang social media accounts, muli na namang nali-link ang dalawa’t tinutukso-tukso na naman sila ng mga netizen.

Lately kasi ay kapansin-pansin na panay ang react at comment ni apl.de.ap sa mga IG posts ni KC. Ang pinakahuli nga ay ang sagutan nila tungkol sa racial discrimination issue sa black community sa US na naging mainit matapos ang pagkamatay ng African-American na si George Floyd sa kamay ng isang white American police officer.

Nag-post si KC ng black screen bilang pagsuporta sa black community at pagkondena sa racial discrimation.

“The black community in the United States is so close to my heart. More than that, in my years as a humanitarian I have spent weeks in the rural areas of Uganda, with the beautiful people of Africa who showed me nothing but warmth and kindness. I’m against all forms of discrimination, and racism,” caption ni KC.

Sa comment section ay sumagot si apl.de.ap bilang pagsang-ayon kay KC.

“We’re all fighting for a few things right now,to be heard and for justice,at the same we also have to fight fake protesters that are taking advantage of this moment to either loot or or doing it for the wrong reason,and that’s a lot to get into…it’s happening around the world including ours,there’s no wrong choice on in wanting to end racism,police brutality and inequality….Be nice,” komento ni apl.de.ap.

Si KC naman ay nagkomento sa post ni apl.de.ap na video ng protest rally sa US sa pagkamatay ni George Floyd at sa background ay tumutugtog ang Where is the Love na kantang pinasikat ng Black Eyed Peas kung saan ay kabilang ang singer.

“I want to thank everyone for finding this song again in these troubling times. I’m both humbled and saddened that it’s still so relevant. Stay safe. We’ll see you again soon,” caption ni apl.de.ap.

Komento ni KC, “Yo people living like they ain’t got no mommas 🥀 This song is IMMORTAL.”

Nag-comment di si apl.de.ap sa IG Live ni KC na cooking session with Judy Ann Santos at tinawag niya ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na “chef KC.”

Kaya naman ang daming nagtatanong kung ano ba talaga ang relasyon ng dalawa ngayon. May nagkomento nga na baka si apl.de.ap ang right guy para kay KC.

“Sagutin mo na si apldeap, tagal na yan nanliligaw sayo. Or else where’s the love?” komento ng isang netizen.

Sagot naman ng isa pa, “Yah sana sagutin na xa ni kc.. Malay mo kz xa talaga nararapat sayo feeling ko seryoso si apl sayo..”

Matatandaang dati nang na-link sina KC at apl.de.ap at ang tsika nga ay nanligaw ito pero binasted ng dalaga.