KC keri nang mag-asawa

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang nagsasabi na puwede nang mag-asawa ni KC Concepcion dahil sa pag-aaral na magluto.

Actually, aliw na aliw ang Black Eyed Peas singer na si apl.de.ap habang pinapanood ang nakaraang cookout session ni KC Concepcion with Judy Ann Santos.

Sa IG Live nito, nagkomento ang The Voice Kids judge at tinawag pa nito ang anak ni Megastar na “Chef KC.”

Nag-message pa ito na magpapadala siya ng tenderizer sa dalaga pagkatapos na mabanggit ng aktres sa nasabing session na kailangan niya ng tenderizer.

Sobrang na- curious din ang international rapper sa putaheng seafood curry na niluluto ni KC.

Sa nabanggit na session, ginagabayan ni Juday sa pagluluto si KC na aminadong baguhan pa pagdating sa paghahanda ng mga putahe.

May mga pagkakataon ngang nahalata ni Apl na nate-tense ang UNICEF ambassador sa pagsunod sa instructions ni Juday.

Gayunpaman, just like a real friend and a knight in shining armor, nagbigay ng words of encouragement si Apl kay KC.

Nag-cheer din ito kay KC na :”Chef KC, get it!”

May mga na-amuse naman at kinilig sa gesture na iyon ng singer kay KC.

Marami rin ang natuwa kay apl.de.ap dahil ‘di niya sinusukuan si KC na maging malalim ang kanilang relasyon.