KC, Kylie pinagtripan ang pet

NI: ATHENA YAP

Hindi lang ang mga tao ang inip na inip sa ECQ. Hindi na rin sila mapakali sa kanilang buhok dahil sa haba nito. Maging ang mga alagang aso ay halatang iritable sa kanilang mga hair dahil hindi pa maaring lumabas para magpa-groom.

Kaya naman ang aktres na si KC Concepcion, naisipang mag-DIY (Do It Yourself) groom sa kanyang aso. Siya mismo ang gumugupit sa buhok nito.
Hindi rin siya komportable na makita ang baby niya na ganoon na kahaba ang buhok.

Sa katunayan, first time lang daw ni KC na gawin iyon .Hindi rin siya sigurado kung maganda o maayos ba ang kalalabasan,

Kanyang ipinost sa Instagram ang eksena na ginugupitan ng buhok ang aso niya . Marami nga ang naka-relate.

Si Margo Midwinter naman, pinag-iisipan pa kung gugupitan niya ng buhok ang aso niya na parehong uri kay KC .Nagdadalawang isip siya dahil takot magkamali.

“I been thinking na rin to cut my pms fur but i’m scared, I think you did good for a first attempt hehe” comment ni Margo.

Si Kylie Versoza naman, super relate dahil ginawa niya rin daw iyon. Pero, hindi niya nakuhanan ng picture ang aftermath nito.