
VACATION MODE na ang mga taga-showbiz.
Kasabay ng simula ng Semana Santa ang kanilang break sa trabaho kaya lipad na sila kung saan-saan.
Last week pa nagsimula ang bakasyon ni Tito Joey de Leon kasama ang kanyang pamilya.
Nagpapakasarap ang de Leon fambam sa napakagandang Amalfi Coast sa Italy kung saan aliw na aliw si Tito Joey sa pagkalalaking lemon.
Isa ang pamilya ni Tito Joey sa most traveled showbiz families.
***
Si Ryan Agoncillo ay nasa Las Vegas kasama ang misis na si Judy Ann Santos at ang mga anak nilang sina Yohan, Lucho at Luna.
May bahay sila roon kaya winner ang bonding ng pamilya. Ang sarap daw ng weather ngayon sa Vegas kaya enjoy ang mga bagets.
Sobra silang naaaliw sa kakyutan ng bunsong si Luna.
Si Juday ay pritong itlog at tinapa pa rin ang nagpapasayang pagkain kahit nasa Amerika.
***
Si Allan K ay sa Europe rumampa kasama ang travel buddy nito na si Lito Alejandria.
Paris ang punta nila, pero stranded sila sa Dubai for a day dahil hindi napansin ni Allan ang visa niya.
Bongga dahil meron silang free 5-star hotel accommodation with free meals at limousine service dahil sa Emirates Airlines.
***
Si Michael V ay nag-Hawaii kasama ang kanyang pamilya.
Nakasabay pa ni Bitoy sa airport lounge ang JoWaPao nu’ng Sabado nang gabi, pero mas naunang umalis ang eroplano nina Bitoy.
Ang mga Bunagan na yata ang pinaka-jetsetter na showbiz family, na kung saan-saang lupalop na ng mundo nakarating at tila walang humpay kung magbakasyon.
Suki ang pamilya ni Bitoy ng mga Disney cruise at resorts kaya sa Hawaii ay sa Aulani Walt Disney Resort & Spa nila piniling mag-stay.
***

Si Toni Gonzaga-Soriano na kagagaling lang ng Palawan ay nasa Siargao naman with her family.
Kung sa Palawan ay wapak ang mga pa-one-piece swimsuit ni Toni, sa Siargao ay may pinost siyang pa-bikini sa kanyang Instagram Stories.
Taray ng sexy mommy ni Severiano Elliott, parang mas daring pa ito kesa sa kapatid na si Alex.
Kasama si Alex sa Siargao. Sa pinost nito sa IG na pool pic nilang magkapatid ay pasabog ang yellow two-piece ni Toni habang si Alex ay pa-wholesome ang black one-piece.
“The young and the mother,” ang caption dito ni Alex.
Kapag nagba-bonding ngayon ang mag-sissy ay lagi nilang ka-join ang tabatsing-tsing na si Seve na kung tawagin nila ay Chabiloo.
***
Si Paulo Avelino ay sa Bali, Indonesia nag-Lenten vacay.
Hindi namin alam kung sinong kasama ni Paulo sa bonggang resort na pinag-i-stay-han niya roon.
***
Si KC Concepcion ay nag-Club Paradise sa Palawan kasama ang hunky boyfie niyang si Aly Borromeo.
Doon nag-celebrate si KC ng kanyang 32nd birthday kasama sina Cristalle Belo, Mark Nicdao at iba pa nilang friends.
Du’n din naka-stay si Georgina Wilson-Burnand at naaliw sina KC sa cutie pie baby ni George na si Archie.
Hanggang Miyerkules ay marami pang celebrities na magsisilarga para magrelaks at magliwaliw kung saan-saan.