KC naglitanta na solo sa community quarantine

KC naglitanta na solo sa community quarantine

May payo ang aktres na si KC Concepcion sa mga katulad niyang naninirahang mag-isa. Lalo na ngayong sasailalim sa community quarantine ang buong Metro Manila.

Ibinahagi niya sa kanyang IG story ang nakasanayan na maging independent. Malaki ang pasasalamat niya sa modern technology dahil kahit mag-isa siya ay nagkakaroon siya ng koneksyon sa kanyang kamag-anak.

“Na-touch talaga ako kanina dahil meron kaming group chat ng mga titos and titas ko sa mother side, na alam nila na mag-isa lang ako and they would tell me na, ‘Basta alam mo na nandito lang kami,’”kwento ng aktres.

Nakasanayan man niya ang pagiging independent, naiisip din umano niya kung mas makakabuti ba sa kanya ang may kasama. Sa edad na 18 kasi ay natuto na siyang mag-isa para makapag-aral sa kolehiyo.

“Kung okay rin mag-isa o kung, di ba, mas maganda may kasama, para may nag-aalaga naman sayo at meron ka ring kausap. Pero thank God talaga na may mga video calls na ngayon, may text diba?”

Hinihikayat din ng aktres na huwag pababayaan ang sarili sa panahong ito. Payo niya sa mga katulad niyang mag-isa, “I encourage those like me, who live alone, to take this time to, one, self-quarantine, so that you can just check ourselves for the next 14 days to see if clear kayo, if may napi-feel kayo.” (Rona Ronda)