tonite-imo-vinia-vivar

Dahil sa recent Instagram post ni KC Concepcion, marami ang nag-i-speculate na baka mag-aasawa na siya this year.

Nag-upload ang panganay na anak ni Sharon Cuneta ng larawan nila ng boyfriend na si Pierre Plassart na tila nakapangkasal sila at sa caption, parang may ipinahihiwatig siyang magandang mangyayari this year.

“Happy new year – It’s going to be a beautiful, inspiring year ahead- and I really really wish this for everyone! Love always, Kace,” ang caption ni KC.

Kaya naman ang tanong ng iba sa comment section ay kung ikakasal na ba sila at ang dami nang excited ngayon pa lang.

On KC’s part, siguradong walang magiging problema kung sakali ngang mag-aasawa na siya dahil botong-boto naman ang mga magulang niya kay Pierre at noon pa sinasabi ni Sharon na talagang inip na inip na siyang magkaroon ng apo.

Mukhang wala rin namang problema sa side ni Pierre dahil nakasama na ni KC ang family nito and mukhang okay naman ang lahat.

Pero ang malaking tanong ng mga netizen ay kung nag-propose na raw ba si Pierre kay KC. Well, who knows? Wait and see na lang tayo.

AlDub parehong masaya

I’m at my happiest right now…maraming sa­lamat po sa lahat ng bumati. GOD bless po sa inyo.” Ito ang tweet ni Alden Richards ­kahapon.

Alden celebrated his 27th birthday last January 2 at simple lang ang naging selebrasyon niya kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sa tweet ni Kristoffer Martin, makikitang magkakasama sila ng birthday boy with friends, ­Rodjun Cruz and Bea Binene.

Nag-post din ng picture si Bea with Alden at sa caption, aniya, “Happy birthday po. Will always be grateful for everything. Wag kakalimutan na andito kami palagi para sayo and we will always be proud of you. ANG SAYA NAKUMPLETO DIN KAMI. MIA @rodjuncruz, nakaalis ka na nung nagpicture kami hahaha.”

Samantala, na-happy naman ang mga fan ni Alden sa kanyang tweet kahapon na happy siya ngayon. Anila, masaya rin daw sila na masaya ang kanilang idolo.

May post din ang ka-loveteam ni Alden na si Maine Mendoza that she’s happy now kaya say ng mga AlDub fan, as long as happy ang kanilang mga idol ay okay na okay sa kanila.

“Maganda ang pasok ng 2019 sa inyong ­dalawa ni Maine. Dahil pareho kayong masaya. Stay that way you both. Mahal ko kayo,” komento ng isang fan.

“You deserve to be happy tisoy @aldenrichards02 .happy kmi kasi happy ka at mas lalong happy si @mainedcm,” sey naman ng isa.

Mukhang tanggap na rin ng ADN (AlDub Nation) na may sariling buhay sina Alden at Maine at hindi kailangang piliting maging sila.

Mikee binulabog ang mga fan sa swimsuit

Sa unang araw ng 2019 ay nagpasabog agad ang isa sa “Onanay” stars na si Mikee Quintos sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanyang larawan in a sexy swimsuit habang nasa beach sa Florida, USA.

Sa larawan ay nagpasilip ang young actress kaya naman nagkagulo ang mga follower niya.

“Biggest 2018 lesson: Don’t be afraid to take what you need. Hearts might break, tears might fall, at the end of the day it’s all in our creator’s hands. You’ll never go wrong with trusting him with your life. May we all have a blessed year ahead! Happy new year!!” caption ni Mikee.

Sinamantala ni Mikee ang nakaraang holiday season para makapagbakasyon sa USA ­dahil naging sunod-sunod din naman ang trabaho niya last year.(Vinia Vivar)