KC pang-alis buryong ng mga Pinoy sa US,Italy, Canada

Panalo na naman ang Tiktok video ng aktres na si KC Concepcion.Umakyat agad sa 300K mahigit ang views mula nang ipost kagabi.

Katulad ng mga nagdaang Tiktok video ng aktres ay mabenta ang kanyang ipinaskel na video .Hindi napigil ang mga netizen sa pagpuri sa ginagawa ng panganay nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ngayong panahon ng lockdown.

Karamihan sa nakapanood sa Tiktok video ng aktres ay mga Pinoy sa abroad .Hayagang nagpahiwatig ng kanilang pasasalamat sa pagpapasayang ginagawa ng aktres.

Ayon sa netizen na si rowy74: Amazing kace love it. Nalilibang mo kami sa lockdown dito sa Milan (Italy).

Komento naman ni mamabic1925 na nasa US: Your Tiktoks put New Yorker in high spirits KC. Take care. Love much. From Big Apple.

Hirit naman ni tllegaspi na nasa Canada: Enjoy KC keep going.

Pero katulad ng mga naunang post ni KC may ilan ding netizen ang hindi masakyan ang ginagawa ng aktres ngayong panahon ng lockdown.

Gayunpaman ay hindi ito pinapatulan ng aktres.Pinayuhan niya ang mga basher na may kalayaang dedmahin ang kanyang mga post.