KC relate sa labada session ng pamilya Pacquaio

NI: RONA RONDA

Sinulit ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao ang quarantine para turuan sa gawaing bahay ang kanilang mga anak. Kung noong nakaraang linggo ay tinuruan nilang kumain ng saba sa ginamos ang mga anak, ngayon naman ay tinuruan sila kung paano maglaba.

Ibinahagi ito ni Jinkee sa kanyang Instagram. Aniya, “Habang naka-quarantine, tinuruan namin ang mga girls kung paano maglaba! Happy ako sa mga anak ko dahil masunurin sila at gusto rin nilang matutunan ang paglalaba. Abangan nyo po sa Youtube channel ko ang video. #stayhome #staysafe #Godisgood.”

Naka-relate naman si KC Concepcion sa bonding ng mag-iina. Katulad din ng mga anak ni Pacquiao, tinuruan din umano si KC ng kanyang lola.

Komento niya sa post, “Reminds me of my Lola. Haha Teaching me mag kuskos at maglaba sa Dasma.”

Umani naman ng magandang komento at papuri ang mag-asawa dahil sa mabuting pagpapalaki sa mga anak.