KC todo luha kay Piolo

Juice colored! Ang dakila rito para kay KC Concepcion ay hindi yung isa, dalawa, may sasampalin ka pa kundi yung damdaming kanyang naramdaman para sa lalaking kanyang minamahal.

Sa kanyang sagot sa tanong na “Describe your greatest love?” hindi pwedeng ikaila na romantic to the very core ang nag-iisang Kristina Cassandra.

Ang kanyang tugon: “My greatest love was also my greatest heartache, because you can’t have a great heartache without great love. I can’t imagine life not experiencing being in love. I know I’ve been in love so hard, I can’t imagine a person that hasn’t experienced that.”

Sa mga nakalipas na di na maaring balikan ni Concepcion, sa inyong pakiwari, sino ang kanyang greatest love at heartache?

Candidate number one, ang modern day poet at rocker na si Rico Blanco ba? Marami ang nanalig na si Blanco ang first love ni Concepcion bagama’t ang deskripsyon ni Rico sa namagitan sa kanila ni KC ay “really close” lamang.

Eh ang politiko na dating television director na si Lino Cayetano, siya ba ang greatest love ng magandang prinsesa nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

Malaki ba ang posibilidad na si Piolo Pascual ang kanyang greatest love at heartache? Ay parang si Papa P ba talaga ang nagpaluha at nagpaibig sa mayamang binibini in a major, major?

Hindi ba ang the Other Papa P ni KC, si Paulo Avelino ang mas minahal at ininda niya ang kanilang paghihiwalayan?

O ang third Papa P niya, ang French guy na si Pierre Plassart na super botong-boto ang kanyang mommy dearest?

Hindi naman kaya si Aly Borromeo, of the Philippine Azkals dati, ang talagang greatest love at heartache ni Concepcion.

Sa true lang, ang mga dating minahal ni KC, walang tulak kabigin. Lahat papable kung papable. Alam kong dasal nating lahat, sa pinakamalapit na hinaharap, mahanap na si Concepcion ng kanyang new forever. She so deserves a happily ever after, hindi ba naman?

Markus, Alex basang-basa sa harutan

Ang lalaking ka-close ni Janella Salvador, si Markus Paterson, at ang lalaking nagpakakatotoo na siya ay bisexual, si Alex Diaz may bidyong magkasama at basang-basa ang dalawa, huh!

Pareho kasi silang nakalubog sa swimming pool na tila may binabasang mga message.

Sa true lang, ang guapo-guapo ni Paterson sa bidyo, may rosiness na sa kanyang pisngi at ito namang si Diaz, tamang kulit habang nagre-react sa mga nagco-comment.

Hindi rin puwedeng ikaila na malapit ang dalawang lalaki sa isa’t-isa at may pisikalan pang kaganapan. Andiyang hinampas ni Markus ang noo ni Alex.

May eksena pang umakbay si Diaz kay Paterson. At may sosyalin pang pagmumura kasi nga ang bisexual poster boy, may dramang: “Peace guys, honestly, ass is ass.”

Ang mabilis na reaksyon ni Markus sa sinambit ng kaibigan: “Don’t say that shit.”

May binasa muli si Diaz na: “Huwag kayong manghuhusga kasi honestly ass is ass. Babae man o lalaki, puwet is puwet.”

Si Paterson naman ang susunod na sinambit: “Tama naman yung pinaghuhusgahan niyo. Si Alex naman may pagkabobo siya,” tapos tawang-tawa itong si Paterson dahil sa pang-aalaska sa kaibigan.

Natapos ang bidyo sa pamamaalam ni Markus na: “Love na love ko kayo. Ingat kayo” with matching flying kiss. Juice colored! Mahal ko na talaga siya. Hahahaha.

Ang mga tanong, bakit nga kaya laging inuurirat ang tungkol sa “ass” kay Alex Diaz? Expertise niya na ba ang matters about assess?

Kay Markus, kanino nga kaya siya mas malapit, kay Salvador o mas closer siya kay Diaz? Hindi kaya ang closeness na ito nina Paterson at Alex ang maging dahilan para si Salvador, eh tuldukan, o kaya ay may tandang pandamdam na ilagay sa closeness nilang dalawa?

Mapaglaro rin kaya ang imahinasyon ni Janella tulad nating mga sangkabekihan na mahihirapang manalig na “platonic” lamang meron ang mga lalaking naghaharutan sa swimming pool?

Well, ang mga sagot sa tanong eh malalaman natin sa tamang panahon.

Atom uumbagin ni Robin?

Sa isang not-so-secret pink at entertainment portal, may ganitong hanash: “In a world full of Robinhood Padilla, be like Atom Araullo. Ligtas ang may alam.” Nagtapos ang hanash sa isang heart emoji.

Ang dahilan kung bakit may ganitong pahayag ang portal, ang post ni Araullo na: “In competition, we bring out the best in each other which hopefully benefits the audience we aim to serve. In defending press freedom as one, we are the proverbial rising tide that lifts all boats. Our hearts go out to our colleagues in these challenging times. Laban lang!”

Sana lang maintindihan ito ni Padilla, kasi best in English kasi. Baka yung “laban lang” ni Araullo ang maunawaan niya tapos ang kasunod, hahamunin niya si Atom na magpang-buno sila, huh!