KC todo sa pasilip

NI: NONIE V. NICASIO

Katakam-takam ang pormang makikita kay KC Concepcion habang siya’y nasa isang beach resort.

Ito’y mabibistahan sa kanyang latest Instagram post. Suot ang one piece swimsuit, dito’y larawan si KC ng isang babaeng umaapaw sa sex appeal

May caption siyang “Who else wants to live by the sea when all this is over?”

Sumagot naman ang kanyang amang si Gabby Concepcion ng “me”

Pakli naman ng actress-tv host, “Ohh papaaaaaaaaa why didn’t you bring me with you .”

Kasalukuyang nasa beach resort si Gabby sa Batangas.

Samantala, lutang na lutang ang kariktan ni KC. Bukod sa may taglay na ganda, may maipagmamalaking malulusog na dibdib . Wow na wow din ang legs si KC.

May hatid na kakaibang init sa mga kalalakihan ang alindog ng mega daughter. Sa kanyang taglay na sossy beauty, tunay na katakam-takam pagmasdan ang dalaga.

Si KC ang tipo ng babaeng hindi pagsasawaang tingnan ng mga kalalakihan dahil sa kanyang kariktan. Walang barakong hindi magpapantasya sa kanyang hotness.

Sa ngayon, kahit tila laging nabobokya sa kanyang lovelife, siguradong kapag dumating na ang kanyang Mr. Right , mamumulaklak ng rosas ang paligid ng aktres.