Dismayado si Steve Kerr sa inilaro ng kanyang Golden State Warriors nang ilampaso sa Utah 129-99 noong Martes.
Tinawag ng coach na “pathetic” ang kanyang two-time NBA champion team. Nakaka-walang gana. Walang binatbat. Nagkalat.
Wala silang depensa, malamya kontra Jazz.
At ang All-Star trio nina Kevin Durant, Stephen Curry at Draymond Green, tumira lang ng pinagsamang 12 of 37 mula sa field.
“I think our guys will tell you, that was a pathetic effort out there,” pahayag ni Kerr pagkatapos ng worst loss sa season ng Golden State. “That was disgusting basketball.”
Absent ang dating dominanteng Warriors. Pati si Curry, naguluhan sa pinakita ng team.
“I asked Draymond on the bench in the fourth quarter if he could remember that bad of a performance that we’ve had in recent memory, and we really can’t,” ani Curry na tumapos ng 14 points sa 4 of 13 shooting.
Parang hindi ang Golden State na may hawak ng NBA-best 40-11 record ang lumaro sa Utah. Pero dahil pinaka-astig sila sa liga, asahan ang resbak ng Warriors.(VE)