Nagpagpag muna ng kalawang ang Golden State, nang makabuwelo ay humarabas para ilubog ang Phoenix 117-107 Linggo ng gabi sa Oakland.

Kinamada ni Kevin Durant ang 17 points niya sa first half para panatiliin sa laro ang Warriors, naiwan 59-58 sa break.

Na-outscore ng Golden State ang Suns 36-18 sa third at hindi na lumingon.

Tumapos ang galing rib injury na si Durant ng 29 points, 11 rebounds at eight assists.

“Kevin is going to be Kevin no matter what,” papuri ni coach Steve Kerr sa kanyang star. “He’s got as much ability as anybody, pretty much anybody ever in the history of the game. Put him out there with Steph, great. Put him out there without Steph, great. He’s still going to get any shot he wants and dominate a game.”

Nagpapagaling pa si Stephen Curry sa left knee injury, kuwestiyonable pa kung makakabalik sa first round ng playoffs na sisiklab matapos ang dalawang linggo.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 23 points, may 19 si Quinn Cook, at 13 points at 12 assists kay Draymond Green sa Golden State.

Magandang balita rin sa Warriors dahil nakalabas na ng ospital sa Sacramento si injured guard Patrick McCaw na inabot ng bruised lumbar spine. Una ang puwet na lumagapak si McCaw sa laro kontra Kings noong Sabado.

Ang panalo ay pang-263 ng Warriors sa ilalim ni Kerr, mas marami lang sa kanya sina Al Attles (557) at Don Nelson (422).

May tig-22 sina Marquese Chriss at Josh Jackson sa Suns, huling tinalo ang Golden State noong Nobyembre 2014.