Muntik nang mag-crash ang eroplanong sinasakyan ng American actor na si Keanu Reeves. Ang flight ay mula sa San Francisco na tutungo sana sa Los Angeles.

Dahil sa aberya ay nag-emergency landing ito sa Bakersfield.

To the rescue naman ang aktor na kabilang sa mga naabalang pasahero dahil sa insidente. Nanguna si Keanu sa pag-isip kung paano sila makakarating sa kanilang destinasyon.

Sa huli ay nagsama-sama sila sa iisang van at nag-bonding. Pinasaya ng aktor ang mga pasahero sa pamamagitan ng pagbanat ng mga Bakersfield joke at pagpapatugtog ng mga “Bakersfield” hits noong dekada ‘50.

Game na game rin siya na naki-food trip sa kanilang stop-over sa Carl’s Jr.
Ibinahagi naman ng isang pasahero ang kanilang fun-filled trip kasama ang aktor.

Anang isang pasahero na naka-bonding ni Keanu, “When your flight almost crashes and you have to emergency land in a remote airport but at least Keanu Reeves is having as bad a day as you are.”

Umani si Keanu ng papuri mula sa mga netizen. (Ronaline ­Avecilla)