Sa kulungan bumagsak ang isang lalaki matapos na paglaruan umano ang kanyang ari sa harapan ng isang dalagita atnang tangkang tumakbo ay hinabol pa nito, na naganap sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Navotas City Police – Women and Children Protection Desk (WCPD), ganap na alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng R. Domingo Street, Barangay Tangos ng lungsod.

Naglalakad ang biktimang itinago sa pangalang ‘Coraline’, 17, nang makarinig ito ng sipol sa kanyang likuran at nang lumingon ay nakita ang suspek na si Noli Cruz, 27, pedicab driver ng nasabi ring lugar.

Nakababa umano ang pang-ibabang kasuotan ng suspek at nakalabas ang ari nito habang pinaglalaruan. Mabilis na nagtatatakbo ang biktima ngunit hinabol pa siya ng suspek at dinakma. Ganunpaman ay nagawa pa ring makawala nito at humingi ng saklolo sa barangay.

Dito na nahuli ang suspek na nasa kustodiya na rin ng Navotas City detention cell.