Umaabot sa mahigit 500 katao ang nawalan ng masisilungan matapos lamunin ng apoy ang residential houses sa Brgy. Zapote, Las Piñas City kamakalawa ng gabi na ikinasawi ng isang residente.
Napag-alaman na habang inaapula ng mga bumbero ang apoy, nakuryente ang isang 25-anyos na si Jefferson Tangher, sanhi ng kamatayan nito.
Dahil sa lakas ng apoy at pagkalat ay umabot pa sa Task Force Bravo ang sunog na tumupok sa higit P1 milyon.
Sa ulat ng Las Piñas Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Dino Ubanil na tumagal ng halos isang oras bago ideklarang fire out.