Nasa hot water ngayon ang isang pulis-Maynila matapos ireklamo ng 37-anyos na lalaki na pinagsayaw nito sa bala, kahapon ng madaling-araw sa may Sta. Ana, Maynila.
Nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang biktimang si Jesus Bautista ng 1858 Estrada St., Sta.Ana, Maynila para ireklamo si SPO2 Carmelo Gariando.
Naganap umano ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw.
Ayon sa biktima, natutulog siya sa upuan ng dumating ang lasing na pulis.
Tinanong siya kung saan siya nakatira at ng tumayo siya ay bigla umano siyang tinadyakan at nang maglakad ay pinaputukan siya at napaupo.
Sa halip na tulungan ang nabaril na biktima ay minura pa umano ito ng suspek na pulis at saka umalis.
Nakatakda naman ipatawag ng MPD-GAIS si Gariando para pagpaliwanagin sa ginawa niya sa biktima.