Patay ang isang 24-an­yos na lalaking nasa talaan ng Barangay Drug Watchlist matapos barilin ng isang hindi nakikilalang suspek, kahapon ng madaling-araw habang naglalakad kasama ang ka-live in sa may Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si King James Nino, miyembro ng Sputnik gang at taga-C.P. Garcia, Tondo, Maynila, habang nagmakaawa naman ang ka-live in nitong si Princess Topacio, 24, sa suspek na inilarawang may taas 5’2-5’4, nakasuot ng puting t-shirt, kulay itim na short pants, at itim na ball cap.

Sa imbestigasyon ni SPO2 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa may Sampaloc St. corner Magsaysay St., Tondo, Maynila.

Naglalakad umano ang mag-live in ng lapitan ng isang alyas ‘JM’ ang biktima at tinanong ito kung gusto niyang gumamit ng shabu.

Pinigil umano ito ni Topacio at inutusan na lamang niya na umuwi na ang biktima at umalis na rin si JM.

Ilang sandali pa nakari­nig na ng putok si Topacio at paglingon nakita ang nakabulagtang ka-live in na duguan at wala nang buhay.

Nakita pa umano ni Topacio ang suspek na hawak ang baril na ginamit sa biktima at nagsalita pa sa kanya ng “Gusto mo ikaw rin?”.

Nagmakaawa umano si Topacio na huwag siyang idamay patayin.

Nang makita naman ng biktima na hindi na humihinga ang ka-live in iniwan ito at dumiretso sa MPD-PS1 para ireklamo ang nangyari.