Dahil nakilala sa Facebook, arestado ang isang lalaki matapos molestiyahin ang 15-anyos na dalagita sa Tagudin, Ilocos Sur noong Martes, ayon sa National Bureau Investigation-Region 1 (NBI-R1).

Kinilala ni NBI-R1 supervising agent Martini Cruz ang suspek na si Renan Oriero, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, ayon kay Cruz, desidido umano ang nanay ng biktima na itinago sa panga­lang May na kasuhan si Oriero dahil sa pangmomolestiya nito at nagdulot pa ng trauma sa biktima.

Napag-alaman na una umanong nangyari ang panghahalay sa biktima kasama ang isa nitong kaklase noong Setyembre malapit sa dagat sa Brgy. Paratong Norte, Bangar, La Union.

Ayon sa NBI-R1, nagkakilala umano si May at suspek sa social media.

Nag-chat pa umano ito sa kanyang messenger. Sa kanyang chat, inalok si May ng suspek ng trabaho, na sexual­ service kapalit ng P1,000.00.

Dito na nagsagawa ng entrapment operation ang NBI-R1 na ikinaaresto ng suspek. ­(Allan Bergonia)