Tadtad ng bala ang natagpuang bangkay ng isang ‘di nakilalang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.
Ayon sa report, dakong alas-3:45 ng madaling-araw nang makita ang biktima na tinatayang nasa edad 22-25, may taas na 5’2”, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng sleeveless na puting t-shirt at maong pants sa kahabaan ng Rizal Avenue northbound malapit sa Herbosa St., Sta. Cruz, Maynila.
Sa imbestigasyon ng pulisya nalaman na may dalawang tama ng bala sa ulo, kamay, at paa ang biktima bukod pa sa hiwa sa kanang dibdib.
Walang nakitang anumang pagkakakilanlan sa katawan ang biktima maliban sa nakuhang P20 sa kanyang bulsa.