Mukhang sinusuwerte talaga ngayon ang Fil-Am model na si Kelsey Merritt lalo pa’t sunod-sunod ang magagandang pangyayari ngayon sa kanyang buhay.
Aba malaking blessing na maituturing ang pagkakaroon niya ng isang loving and supportive two-time Olympic gold medalist boyfriend at siya lamang ang kauna-unahang Pilipina na nabigyan ng chance na makasama sa Victoria’s Secret Fashion Show, 2018 na malaking karangalan para sa 22-year-old Ateneo de Manila University graduate.
Bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, ilan sa mga tagahanga ng eagle-eyed na si Kelsey ang nakapansin na nakasama niyang gumimik si Zac Efron. Magkasama sa isang photo sina Kelsey at Zac kasama ang kanyang boyfriend na si Conor Dwyer. Malapit na kaibigan ni Zac si Conor.
Siyempre pa, isang matamis na halik ang ibinigay ni Kelsey at ng kanyang boyfriend sa isa’t isa bilang pagsalubong sa Bagong Taon.
“Had an amazing year with you baby, can’t wait for 2019 together,” sinabi ni Kelsey.
Na sinagot naman ng kanyang boyfriend sa tagalog na “Mahal Kita.”
Na ikinakilig much ng kanilang mga tagahanga. (Lourdes Fabian)