Grabe na talaga ang alindog ni Kelsey Merrit na lalo pang nag-iinit, sumasagitsit ngayon.
Mula nang maging Victoria’s Secret angel si Kelsey, mas lalo pang na-enhance ang kanyang kariktan. Parang kahit kanino ay lalaban siya ng paseksihan.
Ang latest photo ni Kelsey ay masasabing higit pa sa pagiging isang vavaboom. Sadyang nakakaelya ang kanyang posing.
Ang mapang-akit na facial expression ni Kelsey ay sapat na para malusaw sa libog ang sinumang lalaking makakakita ng kanyang sexy pic. Idagdag pa ang kanyang pigura na pamatay sa ganda.
Talagang na-imbibe na nito ang pang-world class na image ng isang sexy model.
Kaya maraming humahanga, umiidolo sa narating ni Kelsey bilang unang Pinay na rumampa sa Victoria’s Secret at ngayon nga ay featured siya sa sikat na magazine na Sports Illustrated. Hindi lang dahil sa pasabog niyang sex appeal kundi lagi niyang ipinagmamalaki ang pagiging Pilipina.