Tuloy-tuloy ang pagpapainit ni Kelsey Merritt sa kanyang Instagram wall.
Merong sumisilip sa kanyang dibdib. Ang nakakawindang ay ang paglalantad n’ya ng kanyang mga puwet sa string t-back na suot nya.
Hindi maiwasang hindi isa-isahin ng kanyang mga followers ang pagsilip sa kanyang mga larawan. Nagpapa-excite pa kung ano ang susunod n’yang ipapakita.
Nanunukso talaga s’ya sa kanyang mga photo posting.
Para siyang anghel na naghahasik nang kamunduhan.
Nakakapaso ang kaseksihan ni Kelsey. Para itong lava na rumagasa.
Si Kelsey ay Pinay pride ng bansa. Siya ang kauna-unahang Pilipino na rumampa sa nakaraang Victoria Secrets Runaway show. (Rey Pumaloy)