Kelsey perpekto ang kurbada

Malakas ang dating ng model na si Kelsey Alaine Merritt. Bukod kasi sa taglay niyang ganda, long legged siya at may maipagmamalaking makurbang katawan na pang-international ang level.

Isa siyang Filipino-American model na may distinction na kauna-unahang Filipino na rumampa sa Victoria’s Secret fashion show. Lumabas siya sa mga pahina ng Sports Illustrated Swimsuit Issue.

Ang 23-year-old na model ay ipinanganak sa Pampanga at graduate sa Ateneo de Manila University. Nang magtapos ng pag-aaral ay lumipat siya sa New York at dito’y pumirma sa Wilhelmina International Inc., isang modeling at talent agency sa US.

Kakaiba ang lakas ng sex appeal ni Kelsey, marahil dahil sa taglay niyang Pinay at foreign blood. Pero bukod sa flawless si Kelsey, extraordinary ang alindog ng dalaga. Halos perpekto ang kanyang hubog.

Bunsod ng taglay niyang hotness overload, ang tipo niya ang kalolokohan ng mga kalalakihan.

Sa angking kariktan ni Kelsey, siguradong mapapa-wow at luluwa ang mga mata ng sinumang barako. (Nonie Nicasio)