Ken Chan, pasok sa kuwadra ng mga transgender!

ken-chan

Bongga si Ken Chan at ang serye n’yang “Destiny Rose” ng GMA 7  dahil palabas ito sa Thailand.

Hindi na kami nagtataka kung maging superstar o sumikat sa Thailand si Ken dahil sa serye niyang  ito na isinalin sa Thai language.

Nakapaskil sa Instagram wall ni Manilyn ang short video teaser ng serye nila ni Ken, na makikitang ang title ay nasa Thai language na.

@manilynreynes, “Yay! #repost @akosikenchan (@get_repost)…hanggang ngayon patuloy pa rin na minamahal si Destiny Rose mula sa Pilipinas nakarating na sya sa Thailand kung saan pinapalabas ngayon! Maraming salamat po mga Kapuso!” nakatag lahat ng mga casts ng serye.

Maging ang theme song ay isinalin na rin sa Thai language na kinanta ng dalawang singers na hindi namin malaman kung parehong babae o ang isa ay beki.

Anyway, isa na namang achievement  ng GMA 7 na maging top-rater sa ibang bansa ang kanilang show.

Siguradong maiibigan ng mga bading ang drama series dahil kilala sa pagkakaroon ng maraming bilang na transgender o LGBT ang Thailand, kung saan open dito ang sex-change.

Posibleng maimbitahan si Ken sa Thailand para mag-meet and greet sa kanyang mga fans.

Huwag sanang lumaki ang ulo ni Ken sa naumpisahang global career nya lalo’t walang isang salita ang aktor. (May ere na rin yan -ED).

Ni hindi ito nakaalalang magbigay ng advice kung dadalo siya sa imbitasyon namin sa kanya  sa isang event sa Tomas Morato.

Naiintindihan namin kung talagang abala ang aktor pero hindi namin maintindihan ay ang kawalan nya ng konsiderasyon na magpa-abiso na hindi siya makakarating.

Wala pa sa showbiz si Ken at nag-aaral pa lang nakilala namin ito bilang costumer sa The Library.  Ako ang unang nagsabi sa kanyang mag-artista s’ya dahil sa kanyang guwapo looks.