LOVELESS si Rocco Nacino at after nilang maghiwalay ni Lovi Poe, hindi na muna siya naghanap ng bagong mamahalin.
Career muna ang focus ni Rocco.
Puro taping siya ngayon para sa Encantadia ng GMA 7.
“No lovelife, trabaho na lang muna. I’m good naman, okey rin na sa trabaho naka-focus!” pahayag ng binata nang kumustahin namin.
Happy ba naman si Rocco?
“Actually, I’m quite happy focusing on my own. Happy ako ngayon, Kuya Jun!” sagot niya.
Sabi namin kay Rocco, okey lang na wala siyang girlfriend ngayon at maganda rin dahil kahit hiwalay na sila ni Lovi ay mukhang friends silang dalawa.
“Tama, Kuya Jun. Mas okey na ‘yon!” sabi pa ni Rocco.
***
Basta may bakanteng oras, kasa-kasama ni Ken Chan ang kanyang pamilya.
Noong isang araw, nakita namin ang binata na kasama ang kanyang parents sa isang coffee shop sa Morato Ave., Quezon City.
Bukod sa pag-arte, magaling ding kumanta si Ken kaya nabigyan siya ng pagkakataon na makapag-concert sa Zirkoh comedy bar kamakailan.
Puno ang lugar nang mag-concert siya roon, kaya thankful si Ken sa mga sumuporta sa kanyang event.
“Masaya po ako dahil nakapag-concert ako at maraming dumating para sumuporta sa akin.
Sana, maulit po ‘yon,” sabi niya.
Komento namin, hinog na siya para mag-concert sa mas malaki-laking venue.
“Sana nga po!” sambit ni Ken.
***

Nag-expire na ang exclusive contract ni Ogie Alcasid sa TV5 noong Agosto 18, pero dahil naging busy siya sa Ayokong Tumanda birthday concert niya, wala pang update tungkol doon.
Sa ngayon, wala pang official announcement ang kampo ni Ogie kung ano na ang kapalaran ng TV career niya.
After ng expiration ng contract ni Ogie sa TV5, may two weeks silang palugit para pag-usapan ang tungkol doon.
Kung ang fans ng singer/songwriter ang tatanungin, mas gusto nilang lumipat sa ibang TV network si Ogie.
Ang nakakagulat lang, mas gusto nila na sa ABS-CBN na lang sana si Ogie.
Mas bagay raw kasi si Ogie sa ASAP.
Well, sabi ni Ogie, magbibigay siya ng update once na may napagkasunduan na nang kanyang management team pagdating sa kanyang TV career, huh!
Sino si Ken?