Ang isa pang Mr. Chini­to, ang Yuan sa buhay ni Billie sa Meant To Be, si Ken Chan may emotional outburst sa kanyang social media accounts.

Kung follower ka ni Chan, normally, ang makikita mo ay pulos feel good posts at masasayang larawan.

Kaya marami ang nagtaka at nahibang matapos nilang mabasa ang mensaheng Ingles na itim ang background at ang nakasulat rito, “God is lining up things for you. He always has been and always will.”

Matalinhaga, hindi ba?

Tapos, may mahaba-haba siyang mensahe para sa isang the WHO.

Ang diva that you love, nagpadala ng personal na mensahe sa aktor.

Ang tangi niyang sagot, “Hello, Ms. Alwyn. Kamusta ka na?”

Sinagot ko ang kanyang tanong pero hindi na siya sumagot pang muli.

Mabuti at may Meant to Be si Ken. His tapings for the soap are therapeutic para sa kanya.
Hugs na mahigpit, Ken. Kaya mo ‘yan!

***

NAGPADALA ang diva that you love ng SMS sa proper channels matapos isara ni Xian Lim ang kanyang Instagram account.

Deadma sila to the world. Wala silang sagot. Wala silang pakialam.

Mahigit 800,000 ang mga sumusunod kay Lim. Hindi puwedeng itanggi na aktibo siya sa nasabing social site dahil halos 5,000 na ang postings niya.

May official YouTube channel ang aktor. May dalawang Facebook pages/fan sites for him. Hindi pa sara ang mga ito.

Kaya marami sa mga tagahanga niya ang napa-stop, look and read, and they cannot help but wonder kung ano ang emote behind the “Goodbye for now” posting.

Dahil isinara na ni Xian ang kanyang account, walang paraan ang kanyang followers para makapagtanong kung ano ang dahilan sa kanyang pag-goodbye sa IG.

Bakit ‘pinatay’ ni Lim ang kanyang account?

He got bored with it or he finally realized na he wants to keep his private space?

He is contemplating on a major, major thingy about his life and he does not need IG because there is so much distraction, noise, and pettiness, not to mention all the bashing and the hating?

May tutuldukan, may bibigyan ng tandang pandamdam, maghihiwalay ang de kolor at puti?

May mga mapagpalayang hakbang? May mga damdaming nilalabanan? May isasambulat na mga katotohanan?

Malungkot kaya si Xian dahil kahit two weeks na sa mga sinehan ang Dear Other Self, parang ang madlang people, hindi naman ito na­ramdaman?

May lumbay kaya sa kanyang puso dahil buti pa ang Joseph Marco, kahit pa negative ang review sa performance sa pelikula at least, pinansin… samantalang siya, no mention at all sa mga review?

Sa Jodi Sta. Maria-headlined movie, may ‘goodbye for now’ line ring sinambit ang karakter ni Lim.

Tanging si Xian Lim lamang ang makakasagot sa mga tanong.

Hugs na mahigpit, Xian. This diva loves you, really!