Lourdes Fabian
Ibinalita ni Kim Kardashian ang kanyang pagbubuntis sa pang-apat na anak nila ng asawang si Kanye West. Kung matatandaan, last year ay isinilang ang anak nilang babae na si Chicago West (11 months), panganay na anak na si North (5) at Saint (3).
Actually, last year pa ibinunyag ng reality star na gusto niya talagang magkaroon ng apat na anak. At dininig ng Panginoon ang dalangin niya dahil dinadala na ngayon ni Kim ang pang-apat nilang anak ni Kanye.
Ayon pa sa mga taong malapit kina Kim at Kanye, sobrang excited ang couple sa kanilang second boy. “She is due in May and everything looks good. Kim and Kanye have known for awhile and are very excited,” sey pa sa impormasyong inilabas ng kanilang source.
At dahil nga sa pagbubuntis ulit ni Kim ay mukhang naiinggit ang mga kapatid niyang sina Kendall Jenner, Kourtney Kardashian kaya nagpaplano na ring magbuntis ulit.
“Kim having another baby this year is heavily influencing her other sisters and their baby plans,” banggit ng source. “They all loved being pregnant at the same time and everyone wants all of the kids to be close in age. Everyone jokes about having another round of triplets all the time.”
Halos magkakasabay kasing ipinanganak na halos ilang buwan lang ang pagitan ang magpipinsan na sina Chicago West, Stormi Webster at True Thompson. Naging sobrang close at attached sila sa isa’t isa kaya naman binansagan silang ‘triplets’ sa Kar-Jenner clan.