Maaari umanong ga-wing state witness ng gobyerno ang inarestong negosyanteng si Kenneth Dong sa kaso ng P6.4 bilyong shabu shipment na nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) noong Mayo sa dalawang bodega sa Valenzuela City.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kung lalabas na si Dong ang hindi pinaka-guilty sa mga akusado.

Si Dong ay kabilang sa siyam na indibidwal na kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa DOJ kaugnay sa 602.2 kilograms ng shabu na nakumpiska ng NBI at operatiba ng BOC sa dalawang bodega sa Valenzuela City noong Mayo 26.

Nabatid na si Dong ang umaktong middleman para kay Richard Chen, may-ari ng Hongfei warehouse kung saan natagpuan ang mga kontrabando.