Kennon Road sa Baguio bukas na

Dahil sa pagdagsa ng mga turista simula ngayong weekend sa Baguio City, nagpasya ang Kennon Road Task Force (KRTF) na buksan ang kalsada simula noong Disyembre 20 hanggang Enero 6 sa susunod na taon.

Ayon sa KRTF, simula noong Biyernes (Disyembre 20) dakong alas-sais ng umaga ay binuksan na ang northbound traffic ng Kennon Road at tatagal ang pagbubukas hanggang alas-sais ng gabi ng Enero 6, 2020.

Ilang linggo na ring sarado sa mga motorista ang nasabing kalsada at binubuksan lamang ito sa northbbound traffic tuwing Biyernes.

Pinapayuhan naman ng KRTF ang mga motorista na sa Marcos Highway na lang dumaan o ‘di kaya ay sa Asin-Nangalisan-San Pascual-Rizal-Anduyan Road kung ang sasak­yan nila ay may bigat na limang tonelada pataas.

Ayon sa task force, kung makararanas naman ng hindi magandang panahon ay agad ding isasara sa daloy ng trapiko ang nabanggit na kalsada para makaiwas sa peligro sakaling magkaroon ng landslide. (Allan
Bergonia)