By Allan Bergonia

Kinansela ng Office of Civil Defense-Cordillera Administrative Region (CAR) ang iskedyul ng pagbubukas ng Kennon Road para sa pampribadong sasakyan mula noong Biyernes hanggang bukas (April 5-8).

Nauna dito, ang Kennon Road ay naka-iskedyul na magbukas sa mga pribadong sasakyan sa katapusan ng linggo hanggang Holy Week mula alas-sais nang gabi noong Biyernes (Abril 5) hanggang bukas (Abril 8) ng alas-sais nang umaga para sa pagdagsa sa mga turista paakyat at pababa ng Baguio City.

Ayon sa Cordillera Regional Disaster Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (CRDRRMC), sinabi ni OCD-CAR regional director Albert Mogol, kinansela niya ang opening ng nasabing daan dahil sa “upon the recommendation of the Tuba Municipal Police Station to the Task Force Kennon given the presence of falling rocks caused by the rainfall in the past few days.”

“Motorists are also advised to take safety measures when traversing other routes coming in and out of Baguio City,” ani CRDRRMC.

Samantala, ayon sa Department of Public Works and Highways-CAR (DPWH-CAR) ang inisyal na plano noong Marso 29, mga “light vehicle” na nagtitimbang lamang ng limang tonelada pababa ang pinapayagang dadaan sa Kennon Road.