Malungkot ang mga tagahanga ng grupong Wanna One sa paghihiwalay nila.
Ang center ng Wanna One ay si Kang Daniel na hindi matatawaran ang popularidad. So, it’s expected na ang mga naging tagahanga niya noong nasa grupo pa siya ay matiyagang naghihintay at ina-anticipate na ang kanyang solo debut.
‘Yun nga lang, nagkakaroon ng conflict si Kang Daniel sa kanyang management, ang LM Entertainment. Pinaniniwalaang nagsimula ang conflict na ito nang hingin ni Kang Daniel ang full administration ng kanyang Instagram account na hindi raw ibinigay rito ng management.
Ending, gumawa ng second IG account ang singer.
Ang huling balita ay inaayos ang isyu at kahit may mga balitang diumano’y ipapa-terminate na ni Kang Daniel ang kontrata niya, itinanggi ito ng LM at sinabing hindi naman sila dumarating sa ganitong pag-uusap at sila pa rin ang agency na magpapa-solo debut dito.
Pero, ‘yun lang, mukhang seryoso na talaga ang conflict sa pagitan ng idol at ng LM Entertainment. Lumabas sa ilang Korean news portal ang pagha-hire ng singer ng lawyer.
Matinik ang pinili nitong lawyer, si Seon Jong Moon na kilalang legal representative ng ilang legal disputes sa entertainment industry. Bago kumuha ng lawyer, nabalita rin na nagpadala muna ng certification of content sa kanyang management si Kang Daniel na mga dapat baguhin sa kanyang exclusive contract dito.
Obviously, hindi ito nag-materialize kung kaya nag-hire na ng lawyer. Nagbigay naman ng update sa Xportsnews ang legal counsel ni Kang Daniel at ayon dito, “The discussion has not advanced since the day the certification of contents was sent. I have nothing else to tell you at this point.”
Nagbigay na rin ng pahayag ang KEPA sa usaping ito sa pagitan ng agency at talent.
Ayon sa inalabas nilang statement: “Hello. This is the Korea Entertainment Producer’s Association.
“We are releasing an official statement as there are continuous reports regarding the conflict between LM Entertainment and Kang Daniel that contain room for misunderstanding.
The Korea Entertainment Producer’s Association follows the principle of not intervening hastily when an agency and artist are working on coming to an agreement.
“If both parties officially request mediation, the association can provide assistance for peaceful settlement. However, in this current situation, the most that the association can do is to just watch for both parties to make a peaceful settlement.
“The association has concern about this conflict leading to legal action, and if both parties officially request mediation, we will mediate so that an agreement can be made and will provide support so the agency and artist can continue activities.
“Thank you.”