Weird para sa iba pero ang trend na ito ng ‘Christmas tree eyebrows’ ay trending ngayon sa social media lalo na sa Instagram.

Nauso ito noong 2017 at hanggang nga­yon ay namamayagpag pa rin ang pauso na ito sa mga beauty bloggers at face-based fashionista.

Para ma-achieve ang look na ito, simple lang ang sikreto. Susuklayin lang ang kilay at i-dye bago lagyan ng mga dekorasyon gaya ng glitters, maliliit na Christmas balls, wax, glue at mga palamuti.

Ayon sa Marie Clairew, ang trend na ito ay unang ipinauso ng Instagram user na si @taytay_xx na nag-share ng sariling picture niya ng #ChristmasTreeBrows na may ­simpleng caption na ‘Yes’.